Kasunduan ng Quezon City sa Zuellig, planong i-terminate ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Planong itigil na ng Quezon City government ang kontrata nito sa Zuellig Pharma Corporation dahil sa makailang beses na palpak na operasyon ng kanilang eZConsult service dahilan kaya hirap ang maraming taga-QC na makapagrehistro para magpabakuna sa COVID-19.
“Kaya natin kinuha ang serbisyo ng eZConsult ay para mapadali ang proseso nang pagpapatala ngunit ano ang gagawin natin kung ang sistema nila mismo ang ugat ng problema. The sacrifices and efforts of our medical frontliners and our residents are being compromised by this inefficient system. They committed a seamless service but they failed repeatedly. Our QCitizens deserve nothing but the best service. “pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.
“We have issued an ultimatum to Zuellig so they can improve their system quickly and provide all the deliverables. If not, we have no other choice but to find another company that can do the job quickly and efficiently,” dagdag pa ni Belmonte.
Ginawa ito ni Belmonte nang makailang beses na magkaroon ng technical problem ang eZConsult sa pagrerehistro ng mga magpapabakuna simula June 10, 2021 dahilan kaya nagkaproblema ang QC sa pagbibigay ng bakuna sa mga constituents sa mabilis na paraan.
Bukod dito, pinag-aaralan ng Quezon City government na magsampa ng kaukulang kaso laban sa Zuellig dahil sa kabiguan na maisagawa ang kanilang contractual obligation sa lokal na pamahalaan.
Nagpadala na ng demand letter sa Zuellig si City Atty. Orlando Casimiro hinggil dito.
- Latest