^

Metro

Rider sumemplang, pisak sa bus sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo at minalas na masagasaan  ng kanyang kasunod na bus sa northbound lane ng EDSA sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Conrado Besana II, 59, contractor, at residente ng Bago Bantay, ­Quezon City dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus na  nakilalang si Deondo Salavedra, 32, at residente ng Caloocan City.

Batay sa ulat ng Traffic Sector ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa EDSA northbound, malapit sa kanto ng Corregidor St., sa Brgy. Ramon Magsaysay.

Sakay umano ang biktima ng isang Suzuki motorcycle at binabagtas ang northbound lane ng EDSA, mula sa direksiyon ng North Avenue patungong Balintawak,  kasunod ang bus, nang bigla na lang umano itong mawalan ng kontrol.

Nagpagewang-gewang umano ang motorsiklo hanggang sa tuluyan itong sumemplang sa kalsada.

Hindi naman kaagad nagawa ni Salavedra na maipreno ang kanyang minamanehong  bus, kaya’t nasagasaan nito ang biktima, na kaagad binawian ng buhay.

Dahil sa pangyayari ay sumalpok pa ang bus sa concrete barrier sa lugar, na nagresulta sa pagkasira nito.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with