^

Metro

Herd immunity, makokopo ng Marikina sa loob ng 21 araw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Kung sapat ang suplay ng bakuna

MANILA, Philippines — Inihayag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na makokopo ng lokal na pamahalaan ang herd immunity sa loob lamang ng 21 araw kung mayroon silang sapat na suplay ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Teodoro  na sa ngayon ay  may 95,000 residente na ang kanilang nabakunahan at naitalaga ang  Marikina Sports Complex bilang isang vaccination faci­lity na kayang magbakuna ng hanggang 7,000 hanggang 10,000 katao sa isang araw.

“We have the facility and the doctors but we need the supply of vaccines. At 10,000 people vaccinated a day, we can have herd immunity in 21 days,”sabi ni Teodoro.

Anya, may 40 percent na ng mga registered senior citizen ang kanilang nabakunahan.

Sinabi rin ni Mayor Teodoro na maaaring maibalik sa general community quarantine ang NCR plus kung may sapat na suplay ng bakuna, duma­ming   hospital bed capacity at maintenance ng public health standards.

Binigyang diin ni Teodoro na dapat ay pantay-pantay ang bilang ng naipamamahaging bakuna sa bawat lokalidad.Anya mas madaming suplay ang naipagkakaloob sa lokalidad na may mataas na kaso.

vuukle comment

HERD IMMUNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with