^

Metro

Estafa case, sinisilip sa pagpaslang sa mag-asawa sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binubusisi ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang estafa case na kinasasangkutan ng mag-asawa ang posibleng motibo sa pagpaslang sa kanila noong Miyerkules ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director PBRIG Ge­neral Antonio Yarra ang mga biktima na sina Mark Anthony Ballesteros, 29 at Darrel Anne Bonifacio, 27.

Base sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-8:20 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa dalawa sa kahabaan ng Broadway Avenue, corner 6th St. Barangay Mariana, New Manila, Quezon City.

Lumalabas na nasa apat hanggang anim na suspek ang siyang mga salarin sa pamamas­lang sa mag-asawa kung saan kinaladkad pa palabas ng kotse si Bonifacio makaraang makaligtas sa pananambang at binaril nang malapitan.

Sa pagsisiyasat ng CIDU, nahaharap sa kasong estafa ang dalawa noong 2017 subalit taong 2019 buwan ng Oktubre ay nadismis  ang kaso laban sa mga ito.

Dahil dito, sinisilip ngayon ng CIDU ang kinasasangkutan na kaso ng mga biktima kung may kinalaman sa pamamaslang sa mga ito.

Ipinag-utos na ni Yarra ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon at pagkuha ng mga CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng krimen upang makilala ang mga suspek.

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with