^

Metro

Lalaking walang ulo, isinilid sa sako sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang  hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang walang ulo, putol ang daliri at saka isinilid sa  sako at itinapon sa bakanteng lote sa Caloocan City.

Alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela St, corner Cadena De Amor St., Brgy. 175 na may bahid umano ng dugo.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa mga barangay officials na sila namang nag­report sa pulisya at nang buksan ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo nito.

Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos, may taas na 5’5 at may tattoo na dragon sa likurang bahagi ng katawan.

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang imbestigasyon.

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa motibo sa pagpataya sa kanya.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with