^

Metro

1.5 milyong AstraZeneca na mae-expire nitong Hunyo, paubos na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
1.5 milyong AstraZeneca na mae-expire nitong Hunyo, paubos na
Ang mga vial na may bakunang AstraZeneca COVID-19 laban sa nobelang coronavirus ay nakalarawan sa vaccination center sa Nuremberg, southern Germany, noong Marso 18, 2021.
AFP/Christof STACHE

MANILA, Philippines — Halos ubos na umano ang 1.5 milyong AstraZeneca vaccine na nakatakdang mag-expire sa katapusan ng Hunyo makaraang magamit na ang karamihan nito para sa unang dose ng mga priority groups na sumalang sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na 85% ng 1.5 milyong AstraZe­neca vaccines ang ngamit na nila at inaasahan na mauubos ang lahat ng ito bago ang expiration date nito.

“Halos wala na ka­ming ituturok. We have set the guidelines sana wala nang expiry ng June 30,” ayon kay Cabotaje sa panayam ng DZBB sa radyo.

Nasa 500,000 naman na AstraZeneca vaccine na mag-e-expire sa katapusan ng Hulyo ang nakatabi at gagamitin para sa second dose ng mga babalik sa naturang buwan.

Nanawagan naman ang opisyal lalo na sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘mobile vaccination’ para sila mismo ang magtungo sa mga bahay ng babakunahan lalo ngayong panahon ng tag-ulan. Iminungkahi pa niya na patagalin pa ang oras ng pagbabakuna para mas marami ang mapagsilbihan sa isang araw.

vuukle comment

ASTRAZENECA

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with