^

Metro

‘Trash to Cashback’, pinaigting sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Trash to Cashback�, pinaigting sa Quezon City
Ang plastic waste tra­ding program, na tinawag na ‘Trash to Cashback’ ay ang paglapit ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad para higit na mapalakas ang segregation ng basura at mabigyan ng kaalaman ang mga tao sa kahalagahan ng recycling sa pamumuhay ng bawat mamamayan.
Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Higit  pang pinaigting ng Quezon City government ang pagpapatupad ng plastic waste trading program ng lungsod.

Ang plastic waste tra­ding program, na tinawag na ‘Trash to Cashback’ ay ang paglapit ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad para higit na mapalakas ang segregation ng basura at mabigyan ng kaalaman ang mga tao sa kahalagahan ng recycling sa pamumuhay ng bawat mamamayan.

Sa ‘Trash to Cashback’, ang mga recyclables ay maaaring maipalit ng pagkain tulad ng bigas, itlog, gulay at iba pang essential grocery items.

“Together with our partner, Basic Environmental Systems and Technologies (BEST), we are bringing this project down to our barangays to make it more accessible and convenient to our residents who are willing to trade their recyclables into groceries. Hopefully, we can launch it by June in celebration of Environment month,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte .

Sa ilalim ng programa, ang mga barangay ay maglalaan ng isang  drop-off point sa kanilang komunidad  para dito dadalhin ng mga residente ang kanilang  recyclables kapalit ng pagkain.

Bukod sa metal tinatanggap din sa mga drop-off points ang papel,  PET bottles, single-use plastics (SUP) tulad ng shampoo sachets, coffee packs, at online shopping plastic packages .

Layunin ng programa na mabawasan ang  plastic waste sa lumgsod.

vuukle comment

BEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with