^

Metro

Taguig City vaccination-bus, nagsimula na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para sa mas mabilis, ligtas at accessible na pagbabakuna sa mga komunidad, sa kauna-unahang pagkakataon ay idineploy ang Taguig City Vaccination Bus sa Pusawan Covered Court, sa  Brgy. Ususan.

Sa huling naitala ng Mayo 21, 2 hanggang 3 araw na magbabakuna ang Vaccination Bus sa  A1, A2, at  A3 categories.

Kaya nitong  mag-accomodate  ng 200 babakunahan kada araw para maka­dagdag sa mga prosesong ginagawa ng MegaVaccination Hubs at Community Vaccination Centers sa lungsod.

Isinasagawa ang loob ng bus ang counselling at pagtuturok habang ang registration, screening, at  post-vaccination monitoring ay sa labas ng bus.

Samantala, ang appointments ay sa pamamagitan ng Taguig Registry Access and Citizen Engagement (TRACE)  at sa TRACE kiosks sa bawat barangay.

Bukod sa  Taguig City Vaccination Bus, nakapagtayo na ng siyam na vaccination sites sa lungsod.

Para sa pipili na mabakunahan sa mga sites na ito, may ‘hop-on, hop-off’ o point-to-point bus service na pipik-ap sa mga magpapabakuna na sisimulan sa susunod na linggo.

vuukle comment

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with