^

Metro

Operasyon nagkasabay uli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon nagkasabay uli
Ayon kay QCPD Director BGen. Antonio Yarra, habang naghihintay ang mga pulis sa kanilang target ay sinita sila ng mga PDEA agents matapos na mapagdudahan ang kanilang mga kilos.
Philstar.com/John Unson, file

Ilang pulis-Quezon City, dinisarmahan ng mga ahente ng PDEA

MANILA, Philippines — Dinisarmahan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na magkasabay muli ang isasagawa sana nilang anti-illegal drug operation sa isang mall sa Fairview, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, magsasagawa sana ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng QCPD Novaliches Police Station 4 sa parking lot ng isang mall sa Fairview, Quezon City dakong alas-2:00 ng hapon ngunit nagkataong may operasyon din pala doon ang mga tauhan ng PDEA Region 4A.

Ayon kay QCPD Director BGen. Antonio Yarra, habang naghihintay ang mga pulis sa kanilang target ay sinita sila ng mga PDEA agents matapos na mapagdudahan ang kanilang mga kilos.

Nagpakilala umanong mga taga-PDEA ang mga ahente at dinisarmahan ang mga pulis na kaagad rin namang nagpakilalang mga alagad ng batas.

Kaagad namang dumating sa lugar ang hepe ng PS 4 na si P/LtCol Richard Ang para personal na alamin ang sitwasyon habang kinausap naman ni Yarra ang regional director ng PDEA Region 4A.

Matapos ang berepikasyon ay nag-usap na rin ang dalawang grupo at payapang naghiwalay.

Dahil din sa nangyari ay na-abort ang isasagawa sana nilang anti-drug operation.

Samantala, tiniyak naman ni Yarra na naging maingat ang mga operatiba dahil natuto na ng leksyon ang mga ito sa nangyaring shootout sa Commonwealth kamakailan.

Paglilinaw pa niya, kapwa may pre-ope­rations coordination ang dalawang grupo, ngunit hindi lang talaga naka-specify ang eksaktong lugar kung saan ito isasagawa upang hindi masunog ang operasyon.

Hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang PDEA dahil naghihintay pa sila ng official report mula sa commander ng Region 4A.

Matatandaang noong Pebrero lamang ay nagkasagupa ang mga tauhan ng QCPD at PDEA sa isang operasyon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan kapwa namatayan ng mga miyembro ang magkabilang panig.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with