Quarantine Control Points hindi aalisin sa GCQ
MANILA, Philippines — Mananatili ang pagpapatupad ng qua-rantine control points (QCPs) sa National Capital Region (NCR) Plus borders sa pagpapairal ng general community quarantine (GCQ).
Ito ang inihayag kahapon ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar kasabay nang pagsa-sabing, dobleng pagmamanman at monito-ring ang dapat na gawin ng mga pulis laban sa posibleng ‘smuggling’ o pagta-transport ng mga pasahero palabas at papasok ng NCR Plus gamit ang cargo vehicles at vans.
Aniya, hindi pa rin papayagan ang non-essential o unnecessary travel papasok at palabas ng NCR Plus.
Isinailalim na sa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula May 15 hanggang 31.
Umapela rin si Eleazar sa mga establisimento na pinapayagan na mag-operate na ipatupad ang mga health protocols. Irerekomenda nila na agad na ipasara sakaling lalabag sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
- Latest