^

Metro

Nabakunahan sa Quezon City, higit 200K na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit na sa da­lawang daang libong indibiduwal ang na­bigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Quezon City mula nang magsimula ang vaccination rollout ng pamahalaan. 

Sa rekord ng QC Health Department, nasa 152,099 ang tumanggap na ng first dose habang 53,963 ang mayroon ng se-cond dose. 

Umaabot naman   sa 142 barangay sa lungsod ang nabigyan ng bakuna na nasa A-1 hanggang A-3 prio­rity groups. 

Sa kasalukuyan, nadagdagan na rin ang mga vaccination sites sa buong lungsod kung saan ang pinakahuling lugar ay ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao. 

Bukod dito, nagla­gay na rin ng vaccination hub ang QC LGU sa mga homeowners para hindi na magtungo sa ibang covered court at health centers ang mga nais magpabakuna.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with