^

Metro

EDSA Bus Carousel, dinagsa health protocols, ‘di nasunod

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ng Caloocan City na hirap silang bantayan at panatilihin ang  mga safety protocols sa pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Monumento.

Partikular na tinukoy ni Bernie Manlapig, officer in charge ng Caloocan Department of Public Safety and Traffic Management  ang  rush hour  kung saan lahat ng pasahero ay nagmamadali sa pila upang makasakay at makauwi ng bahay.

Ayon kay Manlapig, posibleng nalilimutan ng mga pasahero ang pagsusuot ng face mask at face shield dahil sa pagmamadali na makasakay lalo kung libreng sakay.

Lumilitaw na nagkaroon ng siksikan ng pasahero kahapon ng umaga sa EDSA Bus Carousel, kung saan karamihan ay sinasamantala ang libreng sakay na alok ng Department of Transportation.

Bagama’t sinisita nila ang mga pasahero, pinaiiral pa rin ng mga ito ang katigasan ng  kanilang ulo at hindi pagsunod sa health protocols.

Ilan sa mga dahilan ng pasahero ay ang  matinding init at hirap  huminga kung suot ang face shield.

Gayunman, patuloy  pa rin ang paalala ng mga awtoridad na sundin ang safety protocols para maiwasang makuha ang virus at gumastos kapag natiketan sa paglabag.(

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with