^

Metro

Mayor Joy, pabor luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, pabor luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus
Quezon City Mayor Joy Belmonte.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pabor si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibaba na sa General Community Quarantine ang NCR Plus pagtapos nang pinaiiral na MECQ hanggang Mayo 14.

Sinabi ni Belmonte na  kailangang maibaba na ang quarantine restrictions para mabuksan na ang ilang negos­yo sa Metro Manila at mapasigla ang ekonomiya.

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa ring  higpitan ang pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng mga pampublikong lugar, establisimyento at workplaces.

Ikinatwiran ni  Belmonte na bumababa na  ang COVID-19 cases sa buong NCR Plus sa nakalipas na dalawang linggo mula nang ipatupad ang ECQ noong Abril.

Sa QC, nasa 57% ang naibabang kaso ng COVID-19 habang tumaas na rin ang Occupancy Rate ng mga ospital.

Sa Mayo 14 matatapos ang kasalukuyang Modified Enhanced Community Qua­rantine sa buong NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with