^

Metro

Tugade sa LTFRB: Mga konduktor na naapektuhan ng pandemya, tulungan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alamin kung paano matutulu­ngan ng pamahalaan ang mga konduktor ng pampublikong sasakyan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Tugade,  nakara­ting sa kanya ang mga ulat na nagpapasaklolo sa gobyerno ang mga konduktor.

“Nakarating sa akin ang ilang report at litrato kung saan ipinapakita ang ilang konduktor na nanghihingi ng trabaho at tulong sa pamahalaan,” pahayag pa ni Tugade, sa isang video message.

Sinabi ni Tugade na nakikisimpatiya siya sa mga konduktor at tiniyak na pagkakalooban nila ng kaukulang tulong ang mga ito.

“Sa ating mga kaibigang konduktor, ako ho ay nakikisimpatiya sa inyo.  Dahil diyan, mariin kong inuulit ang aking naging direktiba sa LTFRB na silipin kung paano matutulu­ngan ang mga konduktor na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya,” aniya pa.

Aniya, isa sa mga tini­tingnan nilang paraan ay ang maipasok din ang mga ito sa Service Contracting Program ng ahensya.

Dagdag pa ng kalihim, magkakaroon sila ng pulong Road Sector ng Department of Transportation (DOTr) upang mabigyan ng solusyon ang naturang problema.

Kaugnay nito, nanawagan din naman si Tugade ang tulong sa mga operator para matulungan ang kanilang mga konduktor.

“Nananawagan din ho ako sa ating mga katuwang na operator na huwag ninyong pabayaan ang inyong mga konduktor. TULUNGAN NATIN SILA. Walang iwanan,” ayon pa kay Tugade.

 

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with