^

Metro

Bagong COVID-19 cases sa Metro Manila kada araw, bumaba ng 56% - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagong COVID-19 cases sa Metro Manila kada araw, bumaba ng 56% - OCTA
Ayon sa OCTA Reseach Team, ito ay mas mababa kaysa sa nagdaang bulto ng kaso ng nagdaang mga araw. Ang naiulat na pagbaba ay mula April 30 hanggang May 6.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — May pagbaba na ng 56 percent o may 2,454 ang average na bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Reseach Team, ito ay mas mababa kaysa sa nagdaang bulto ng kaso ng nagdaang mga araw. Ang naiulat na pagbaba ay mula  April 30 hanggang  May 6.

Ayon sa OCTA Research, may patuloy na pagbaba  sa bilang ng mga bagong kaso ng virus sa Metro Manila.

Ayon sa grupo, ang dagdag na bilang ng kaso kada araw sa   Me­tro Manila ay kapareho lamang  mula  March 12  hanggang  18.

“The one-week growth rate in the NCR  was -25% from the previous week, compared to 23% and -17% in the weeks prior,”  ayon sa OCTA Reseach Group.

Ayon sa grupo, ang reproduction number  sa NCR  ay bumaba sa 0.70 habang ang  reproduction number sa bansa ay 0.86. Ang reproduction number ay bilang ng bagong kaso ng Covid na nahawa sa isang positibo sa virus.

Samantala, ang positivity rate o percentage ng indibidwal na napatunayang positibo sa virus ay may 16 percent mula sa average na 22,941 tests kada araw.

Ang hospital bed occupancy naman sa NCR para sa COVID-19 patients ay bumaba sa  52 percent.

Ang Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite ay nasa ilalim ng  modified enhanced community quarantine hanggang May 14.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with