^

Metro

Bilang nang hawaan ng COVID-19 sa Quezon City, bumaba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines — Unti-unti na ring nararamdaman ang bahagyang pagbaba ng mga nahahawaan ng virus sa Quezon City sa nakalipas na dalawang linggo.

Batay ito sa OCTA Research noong Mayo 3 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 1.20 kung saan bahagya pang bumaba mula sa nakaraang linggo.

Ipinapakita ng nu-merong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus noong bago ideklara ang ECQ noong Marso.

Ang R0 na mas ma­baba sa 1 ay nanga­ngahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapangha-             wa, o magdulot ng bagong infection.

Patuloy na nana-wagan si QC Mayor Joy Belmonte sa mga taga-lungsod na huwag maging pasaway at ugaliing sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing para hindi ma-infect ng COVID-19 virus.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with