6 na ‘tulak’ huli sa buy-bust
MANILA, Philippines — Kalaboso ang anim na ‘tulak’ sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregale-jo ng operation sa Batimana, Brgy. Marulas.
Agad na kinalawit ng mga operatiba si Jonathan Ebacuado, alyas Ethan, 29, matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.
Kasama ring inaresto ng mga operatiba sina Rolando Timan, 46, tricycle driver at Ericson Aguvida, 32 matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nakuha sa mga suspek ang 5 gramo ng hinihinalahg shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy-bust money, cellphone at P600 cash.
Nauna rito, alas-12 ng madaling araw nang masakote ng kabilang team ng SDEU sina Jephril Alba, 43, Romulo Deleon, 33, at John Christopher Angulo, 32, sa isinagawang buy-bust operation sa S. De Guzman St., Brgy. Parada.
Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy bust money, cellphone at P800 cash.
- Latest