Second dose ng vaccine sa Quezon City: Sundin ang petsa sa vaccination card
MANILA, Philippines — Niliwanag ng kumpanyang sZconsult na siyang taga-pangasiwa sa online booking ng vaccination program ng Quezon City government na isnabin ang natatanggap na email at text patungkol sa pagbibigay ng second dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ang paglilinaw ng kompanya ay ginawa sa harap ng kalituhan ng mga taga-QC hinggil sa kung kailan talaga ang kanilang second dose dahil nakakatanggap sila ng email message at text ng araw ng pagbabakuna.
Ayon sa sZconsult nagkaroon sila ng “technical glitch” habang nagsasagawa ng critical update sa kanilang system ngayon pero kung makakatanggap anila ng email at text hinggil sa araw ng pagpapabakuna ng second dose, ‘wag anila itong susundin bagkus ang sunding petsa at oras ay ang makikita sa kanilang vaccination card.
Nitong nagdaang linggo ay nasa A4 priority list na ang binabakunahan ng lokal na pamahalaan kasama ang mga OFWs at tricyclce drivers
Humigit kumulang naman sa 200,000 ang kabuuang nabigyan ng first dose ng bakuna at may mahigit 1,000 pa lamang ang inaasahang bibigyan ng second dose ng bakuna sa lungsod.
- Latest