^

Metro

4 ‘tulak’ nalambat ng Maritime Police

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� nalambat ng Maritime Police
Sa report ni PCpl Jan Israel Jairus Rhon Balaguer kay Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice, dakong alas-2 ng madaling araw, nang magsagawa ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia ng foot patrol na may kaugnayan sa pagpapatupad ng MECQ sa BGA Compound, Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu at nag-aabutan ng droga sa Navotas city.

Sa report ni PCpl Jan Israel Jairus Rhon Balaguer kay Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice, dakong alas-2 ng madaling araw, nang magsagawa  ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia ng foot patrol na may kaugnayan sa pagpapatupad ng MECQ sa  BGA Compound, Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN.

Dito, naispatan ng mga pulis si Rowena Ramirez, alyas Weng, 46, at Suzette Cariño, 49, na nag-aabutan ng isang plastic sachet ng hinihina­lang shabu na naging dahilan upang agad silang arestuhin ng mga parak.

Nauna rito, dakong alas-7:30 ng gabi, nagsasagawa rin ang mga tauhan ng MARPSTA ng foot patrol sa kahabaan ng Kadamay St., Market 3, Navotas Fishport Complex nang maaktuhan nila si Eme Abadiano, 50, at Jenny Abrancillo, 38, na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo.

Kaagad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at ayon kay PSSg Marcelo Agao, nakumpiska sa kanila ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with