^

Metro

3 huli sa karnap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki ang natunton at nadakip ng mga operatiba ng Parañaque Police  matapos mangikil sa may-ari ng tinangay na sasakyan, sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Nalambat sa isinagawang follow-up operation ang mga suspek na kinilala lang sa alyas na Emran, Nonoy, at Natoy habang tinutugis pa ang isang alyas Pilot, na residente umano ng Paliparan, Cavite.

Ang suspek na si Nonoy ay nakunan umano ng pick-locks o gamit sa halip na susi  para maitakbo ang sasakyan.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang mga suspek ay sangkot sa pagtangay ng isang van na nakaparada malapit sa footbridge ng Roxas Boulevard, sa bahagi ng Parañaque City noong Mayo 2, 2021.

Matapos ang pagkarnap, hiningian umano ng P70,000 ang may-ari ng van kapalit ng sasakyan.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang biktima sa anti-carnapping at intelligence unit ng Parañaque Police Station at isinagawa ang operasyon kung saan naaresto ang mga suspek.

Walang nagawa ang mga suspek kundi ituro ang van na iniwan nila sa gilid ng kalsada sa Muntinlupa at ikinanta pa ang isa pang kasamahan sa pagtangay ng van.

Ipinagharap na ng reklamong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016, robbery extortion at possession of pick-locks or similar tools ang mga suspek.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with