^

Metro

1,000 contact tracers, sasabak na sa trabaho

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 1,000 newly-hired contact tracers ang inaasahang magsisimula nang magtrabaho ngayong linggo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya, mahigit 10,000 katao ang nag-aplay bilang contact tracers ngunit mahigit 2,000 pa lamang na aplikasyon ang natapos i-assess ng DILG.

Inaasahan naman aniya nilang nasa 1,000 sa mga ito ang makakatapos na ng training at kaagad na silang ide-deploy sa mga lungsod sa Metro Manila upang makapagsimula nang magtrabaho. “We expect siguro by this week mayroon nang magsisimula na magtrabaho sa contact tracers, around 1,000 ay makakatapos na ng kanilang training na isasagawa ng DILG at Local Government Academy,” aniya pa.

Matatandaang una nang kinumpirma ni DILG Secretary­Eduardo Año na magde-deploy sila ng panibagong 5,754 na mga bagong contact tracers sa Metro Manila sa ilalim ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila Development Authority (MMDA). Magiging malaking tulong aniya ang mga bagong contact tracers upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 infections sa bansa.

vuukle comment

CONTACT TRACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with