P402K halaga ng shabu, marijuana nasabat sa ‘tulak’
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 41-anyos na bebot na nasamsaman ng mahigit P400,000 halaga ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation, sa Taguig City, kamakalawa.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/Brig. General Eliseo Cruz ang nadakip na suspek na si Marilyn Pacia, tubong Zamboanga Del Norte at residente ng Barangay Central Bicutan, Taguig.
Sa ulat, dakong alas- 12:15 ng hapon nitong Sabado nang madakip ang suspek sa harapan ng Block 9, Lot 8, Purok 4, Brgy. Central Bicutan, Taguig City, ng mga tauhan ng Drug Enforment Unit ng SPD sa pangunguna ni P/Major Mark Jason Gatdula,
Nasamsam sa kanya ang 59 gramo ng shabu na may street value na P401,200, isang plastic sachet na naglalaman ng marijuana na tumitimbang ng 7.5 gramo.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag sa section 11 at 5 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest