^

Metro

Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan na i-settle o bayaran ang electric bill that is very welcome kasi kailangang isaalang-alang na na­gamit na po ‘yang kur­yente.”
STAR/ File

Paalala ng Meralco, MWSS sa konsyumer

MANILA, Philippines — Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan na i-settle o bayaran ang electric bill that is very welcome kasi kailangang isaalang-alang na na­gamit na po ‘yang kur­yente.”

Aniya, inaasahan na rin ng Meralco na hahaba muli ang pila sa kanilang mga sangay kapag nagsimula ang putulan dahil marami muli ang makikiusap na uunti-untiin ang pagbabayad.

Samantala, ayon naman sa MWSS, kung hindi kayang bayaran ng isang bagsakan dahil kulang sa pera ay maaaring pumunta sa Maynilad o Manila Water para makiusap na hatiin o gawing installment ang bayad.

“Puwede po nilang i-appeal ang desisyon ng Maynilad at Manila Water at iakyat po sa amin. Ang concern natin is ayaw natin na lumaki nang sobra ang water bill mo na mahihirapan ka talagang mabayaran,” paliwanag naman ni MWSS chief regulator Patrick Ty.

Matatandaang dahil sa surge ng COVID-19 cases ay pinalawig pa ng pamahalaan ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble, kung saan maraming lugar ang siniserbisyuhan ng Meralco, Maynilad, at Manila Water.

Tiniyak naman ng Meralco at ng MWSS na dahil sa pagpapalawig ng MECQ ay palalawigin din ang kanilang “no disconnection policy” at hindi muna magpuputol ng linya ng tubig at kur­yente ng mga kostumer na hindi makapagbayad ng kanilang bills.

vuukle comment

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with