^

Metro

Higit 800 returnees nanumpa sa pagkalas sa makakaliwang grupo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakasabay  na isinagawa ang oath of allegiance sa Republika ng Pilipinas ng nasa mahigit 800 lider at miyembro ng mga makakaliwang grupo na boluntaryong sumuko sa pamahalaan na idinaos sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kamakalawa.

Sinaksihan nina National Capital Region Police Office (NCRPO)  chief, Police Major Ge­neral Vicente Danao Jr. ang panunumpa at pag­lagda ng 36 na core leaders at 807 miyembro  sa pamamagitan ng zoom.

Ito’y alinsunod sa patuloy na pagsisikap ng NCRPO na suportahan ang Executive Order 70 ‘End Local Communist Armed Conflict’ (ELCAC), kung saan nilagdaan ng mga returnees  ang Renunci of Membership.

“This is a momentous occasion that signifies how the leftist movement is now being abandoned by its key leaders and general membership.”, ani Danao.

Dalawang pangunahing lider ng makakaliwang kilusan ang naghayag kung paano sila nailigaw ng paniniwala ng mga recruiter na sila ay magkakaroon ng “pabahay, pailaw, at patubig” upang umanib, na hindi naman nangyari. Nagpalipad din ng mga kalapati sa se­remonya bilang patunay na sila ay maaari nang makihalo sa civil society ng malaya, may pag-asa  at kapanatagan habang sinunog naman ang mga bandila ng NDF, KMU at Gabriella sa harap ng kapulisan.

Gusto ko rin pong pasalamatan sa ating mga kabababayan na patuloy na naniniwala sa adhikain nating pang gobyerno. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa at ito ang pa­nahon ng pagtutulungan, panahon ng pagbubuklod buklod, panahon ng kooperasyon upang lalo nating mapagtibay ang ating bayanihan tungo sa maayos, maunlad at mapayapang samba­yanan,” pagtatapos ni Danao.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with