^

Metro

Nang-blackmail ng lover, huli sa entrapment

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nang-blackmail ng lover, huli sa entrapment
Kinilala ni Manila Police District director, P/Brig. General Leo Francisco ang suspek na si Engelvert Nunez , ng Sablayan Occidental Mindoro na nakatakdang sampahan ng reklamong Robbery Extortion at Rape.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Timbog sa loob ng isang lodging inn ang isang 32-anyos na lalaking humingi ng P20,000 sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) kapalit ng mga hubad na larawan at sex videos sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Manila Police District director, P/Brig. General Leo Francisco ang suspek na si  Engelvert Nunez , ng Sablayan Occidental Mindoro na nakatakdang sampahan ng reklamong Robbery Extortion at Rape.

Kamakalawa ng gabi nang arestuhin ang suspek sa Lu­xury Lodging Inn, sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Lyn , 30, saleslady at dating OFW na  hinihingian siya ng pera ng suspek at pinilit na makipagkita sa kaniya sa gitna ng pananakot na ikakalat niya ang mga larawang hubad at sex videos.

Agad na nakipag-ugnayan ang biktima sa District Intelligence Division-District Police Investigation Operations Unit (DID-DPIOU) ng MPD na naglatag ng bitag.

Nang makipagkita na ang biktima sa suspek at pumasok sa Luxury Lodging Inn ay pinuwersa pa umano ng suspect ang biktima na makipagtalik subalit nagawang makatakbo palabas kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga nakaposteng operatiba ng DID-MPD, District Special Operations Unit at Women and Children Section ng MPD para pasukin at arestuhin ang suspek.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with