^

Metro

Malabon fire: 8 sugatan, 300 pamilya nawalan ng tahanan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan, habang walo ang nasugatan sa naganap na sunog sa Malabon City kamakalawa, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) arson investigator FO3 alas-10:40 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Neri Abagon sa P. Concepcion St. Brgy. Tugatog ng lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabi nitong kabahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Sinabi ni City Fire Marshal Supt. Eduardo Loon, tumagal ng higit sa anim na oras bago idineklarang under control na ng mga bumbero ang sunog dakong alas-4:20 ng hapon dahil nahirapan silang makapasok sanhi ng makitid na mga daanan sa lugar.

Umabot sa 100 kabahayan ang tinupok ng apoy na tulu­yang naapula pasado alas-5 ng hapon.

Samantalang tinataya namang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa covered court ng Brgy. Tugatog habang patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng nangyaring sunog.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with