^

Metro

Magtiyo patay sa shootout

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 53-anyos na lalaki at pamangkin nito matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang nasawing mga suspek na sina Nolito Cimanes, alyas Koping at kanyang pamangkin na si Manuel Cimanes, 34, construction worker, kapwa ng  Gulayan St. Brgy. Catmon.

Dakong alas-10:45 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Malabon Police Intelligence Unit sa pangunguna ni Lt. Joseph Alcazar ang  tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y nagpaputok ng baril sa Gulayan St., Brgy. Catmon.

Nadatnan ng mga pulis si Nolito na may hawak na baril at nang mapansin ng suspek ang mga parak ay kaagad niya itong pinaputukan. Naglabas  naman ng isang granada si Manuel.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa tamaan sa katawan ang mga suspek.

Isinugod pa ng mga pulis sa Ospital ng Malabon ang mga suspek subalit, idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO at EOD team sa pangunguna ni PSSg Rodel Victor sa crime scene ang isang M26 fragmention hand grenade, cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala, itim na sling bag na naglalaman ng tatlong sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, P170 cash at anim na basyo ng bala ng cal. 9mm.

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with