^

Metro

2 Chinese, 1 Pinoy huli sa kidnap for ransom

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese, 1 Pinoy huli sa kidnap for ransom
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Zhao, Xin, 24, supervisor ng PITX POGO 4 Sea Ocean Group; Gan Siguo, 24, empleyado ng POGO at isang Yves Ian Panganiban, 28.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nadakip ng pinagsanib  na puwersa ng National Capital Region (NCR), Pasay at Pa­rañaque Police ang dalawang Chinese at isang Pinoy kaugnay sa diuma-no’y pagkindap sa isa ring Chinese sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Zhao, Xin, 24, supervisor ng PITX POGO 4 Sea Ocean Group; Gan Siguo, 24, empleyado ng POGO  at isang Yves Ian Panganiban, 28.

Nailigtas naman ang biktimang si Zhou Wen Hua, 30, IT Technician, residente ng Golden Bay Tower Pasay City.

Sa ulat P/Lt. Colonel Melvin Montante kay NCRPO chief P/Major General Vicente Danao Jr., alas-12:00 ng madaling araw ng Abril 27, 2021, nagsuplong ang isang babaeng Malaysian national at kasamahan nito sa trabaho sa Regional Special Operations Group (RSOG) hinggil sa nasaksihang pagkulong sa biktima sa loob ng sasakyan ng tatlong indibiduwal sa Parañaque City kaya agad na umaksyon ang mga awtoridad.

Dakong alas-3:45 ng madaling araw nang puntahan ang inilarawang sasakyan nang biglang may lumabas na isang lalaki at pinaputukan ng baril ang mga operatiba,na gumanti ng putok at iknasugat ng isa sa mga suspect.

Nasamsam sa mga ito ang isang Pietro Beretta Gardone. Isang magazine, 12 bala ng 9mm kalibre baril. Isang balisong, isang Toyota Fortuner, sling bag na naglalaman P920,000.00 na may PNP Markings at Serial Numbers.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with