^

Metro

‘MECQ Flex’, maiksing curfew nais ng Metro Manila mayors

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�MECQ Flex�, maiksing curfew nais ng Metro Manila mayors
Sa ilalim ng “MECQ Flex,” ang curfew hours ay magsisimula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang 17 alkalde ng Metro Manila  na irekomenda ang “flexible modified enhanced community quarantine” (MECQ Flex)  matapos ang Abril 30, kasabay sa pag-adjust sa mas pi­naigsing unified curfew hours upang bigyang-daan ang mga negosyo, ayon kahapon kay Metropolitan Manila Development Authority chair Benhur Abalos.

Sa ilalim ng “MECQ Flex,” ang curfew hours ay magsisimula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

“If you go to the mall, sarado ka na siguro around 6 o 7 [p.m.]. At least with 10 p.m., ang operating hours nila maski hanggang alas- 8 o 9 ng gabi,” ayon pa kay Abalos.

Sa ilalim aniya, ng ‘MECQ Flex’, makakahanap ng middle ground ang mga lokal na  pamahalaan upang kahit may ECQ ay maraming negosyo at aktibidad ang gumagalaw.

“You still maintain border control. You maintain the mobility of the people,” aniya pa.

Hinihintay ng Metro Ma­yors ang listahan ng mga negosyong papayagang magbukas at karagdagan pang negosyo at aktibidad mula sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa bagong quarantine policy.

Si Health  Undersecretary Ma. Rosario Vergeire aniya, ang nagpanukala ng MECQ Flex o Hybrid.

“Hybrid MECQ is intended to allay the fear of health workers for a possible surge again. That’s why we want to do it gradually. By opening some businesses, we are also addressing the dilemma and hunger of those who lost their jobs,” paliwanag ni Abalos.

Gayunman, ipauubaya na umano ng MMC kay Pangulong Digong ang pagdedesisyon kung ano ang susunod na quarantine status  ang ipatutupad sa NCR Plus simula sa Mayo 1.

Samantala, pabor din ang OCTA Research Group na ipatupad ang hybrid modified enhanced community quarantine sa National Capital Region at mga karatig lalawigan kaysa sa ge­neral community quarantine (GCQ).

Ayon kay Professor Ranjit Rye, mas makakabuti ang mas mahabang MECQ kahit pa hybrid ito bilang paghahanda sa general community qua­rantine (GCQ).

Tamang-tama aniya ang pagpapatupad ng hybrid MECQ habang hinihintay ang pagdating ng mga bakuna. —Malou Escudero

 

vuukle comment

CURFEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with