^

Metro

20 kabahayan, tupok sa sunog sa Muntinlupa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 20 kabahayan ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa PNR Site, sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City, Martes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog sa Aquino Damaso Compound, Purok 2, PNR Site in Brgy. Cupang dakong alas-11:36 ng gabi kamakalawa na umabot sa ikalawang alarma.

Tinatayang nasa P1.4-mil­yong ari-arian ang napinsala.

Nagtulung-tulong ang nasa 79 fire trucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), city government, at volunteer groups at naapula dakong alas-4:02 ng mada­ling araw.

Pansamantalang  nanunuluyan sa Mullet Compound Covered Court ang mga nasunugan.

Masusi namang minomonitor ng City Health Office at Department of Disaster Resilience and Management ang evacuation center upang mapigilan na magkaroon ng hawaan sa covered court.

Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang financial assistance para sa mga nasunugan.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with