^

Metro

255 health workers ng NKTI tinamaan ng COVID-19 sa loob ng 4 na buwan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
255 health workers ng NKTI tinamaan ng COVID-19 sa loob ng 4 na buwan
Ayon kay NKTI director Rose Marie Rosete- Liquete, nangangamba sila hinggil dito dahil sa malaking bilang ng kanilang healthcare workers ang tinamaan ng COVID sa loob pa lamang ng ilang buwan ng taong ito, kumpara sa 500 kaso noong nagdaang taon.
Photo by NKTI FB page

MANILA, Philippines — Nasa 255 health wor­kers sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa ­Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19 sa loob pa lamang ng apat na buwan ngayong taon.

Ayon kay NKTI director Rose Marie Rosete- Liquete, nangangamba sila hinggil dito dahil sa malaking bilang ng kanilang healthcare workers ang tinamaan ng COVID sa loob pa lamang ng ilang buwan ng taong ito, kumpara sa 500 kaso noong nagdaang taon.

Naranasan din umano ng ospital ang  punuan ng  pasyente ng COVID-19. Anya may mahigit sa  60 pasyente ang nasa kanilang  emergency room at ang ilan sa kanila ay nasa mga tent naghihintay.

“Maraming pasyente ang na-displace from other dialysis centers kasi kapag nag-positive [ay] ayaw na nilang i-accept sa dialysis. ‘Yon din ang nakakadagdag sa bilang ng outpatient,” dagdag ni Liquete.

Sinabi rin ni Liquete na kahit dagdagan ang mga tent na paglalagyan sa mga dagsa ng COVID-19 patient, wala ring mga nurse ang nagbabantay sa mga pas­yente. Gumagawa na anya ng paraan ang pamunuan ng ospital para maresolbahan ang kakulangan sa mga nurse,

Noong weekend ay nagtayo ng dalawang 10-bed emergency tents sa NKTI ang Philippine Red Cross para sa mga pasyenteng may COVID-19 at kidney problems.

vuukle comment

NKTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with