National Day of Prayer sa mga nasawi sa COVID-19 itinakda sa Mayo 8
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na mag-alay ng panalangin para sa lahat ng nasawing Pilipino dahil sa COVID-19 sa Mayo 8.
Ito ay makaraang ideklara ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang nasabing petsa bilang Day of Prayer.
Hinihikayat din niya ang mga mamamayan na dumalo sa “Mass for the Dead” na idaraos sa Manila Cathedral dakong alas-9 ng umaga, sa pamamagitan ng livestreaming. “The whole archdiocese will mourn for our dead during this pandemic but with great hope given by the Resurrection of the Lord Jesus,” ayon kay Pabillo.
Maaari ring magtayo ang mga Parokya ng mga memorials na may mga larawan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan na pumanaw dahil sa COVID-19 para alalahanin sila at palagiang maalayan ng panalangin.
Sa datos ng Dapartment of Health (DOH), nitong Abril 21 ay nasa 16,265 na ang nasasawi dahil sa COVID-19 buhat nang mag-umpisa ang pandemya noong Marso 2020 sa bansa.
- Latest