3.4 milyong low income earners sa NCR, nakatanggap na ng ayuda - DILG
MANILA, Philippines — Umaabot na kahapon sa 3.4 milyong low income earners na naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang tumanggap na ng ayuda.
Ayon ito kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kasabay nang pagsasabing naging mabilis ang pamimigay ng ayuda at walang tigil ang LGUs sa pamamahagi nito na mula sa national government.
“Few local governments chose to give the aid in kind. They have yet to start their distribution because the goods need to be bid out, repacked, and delivered house to house” pahayag ni Malaya.
Naglaan ang pamahalaan ng kabuuang P22.9 billion ayuda para sa 22.9 million residente ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal provinces na naisailalim ng pamahalaan sa ECQ mula March 29 hanggang April 11.
- Latest