3 ‘Tulak’ arestado sa buy-bust
MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang tatlong ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang mga suspek na sina Arnel Padrenao, 38 ng 53 Padregal St. Karuhatan, Rogelio Hubilla, 29 ng Sitio Kabatuhan, Gen. T De Leon at Jose Toledo, 34.
Ayon sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa Blk 1 Lot 35 Arty 4 Subd., Brgy. Karuhatan.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang maka-order kay Padrenao at Hubilla ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama si Toledo. Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200.00 ang halaga, buy-bust money, P1,500 cash at 3 cellphones.
Kasong paglabag sa Section 5, 26, at 11 under Article 11 of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.
- Latest