^

Metro

Amerikanong pedopilya, timbog ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na nahahaharap sa mga sex crimes sa kabataan sa Estados Unidos sa ikinasang operasyon kamakailan.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Michael Dennis Hartsock, 71.  Inaresto siya ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) nitong Abril 14 sa may Brgy. Ubojan, Loon, Bohol City.

Nabatid na nahaharap si Hartsock sa 10-warrant of arrest na inilabas ng San Joaquin County Superior Criminal Court sa California.  Wanted siya sa anim na bilang ng kasong Sexual contact with Minor.

Naglabas ng kahilingan ang pamahalaan ng Estados Unidos sa BI para tulungan silang hanapin ang suspek.  Agad naman na nag-isyu si Morente ng mission order sa FSU.

Sa tulong ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bohol, natukoy ang kinaroroonan ng dayuhang suspek na nagresulta sa kaniyang pagkakadakip.

Nakaditine na si Hartsock sa NBI Center sa Bohol at nakatakdang ilipat sa BI Detention Center. Nakatakda rin siyang ipa-deport sa US habang ilalagay siya sa blacklist ng BI upang hindi na muling makapasok sa Pilipinas.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with