^

Metro

Rider pisak sa trak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rider pisak sa trak
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahilan ng kaniyang kamatayan ang biktimang si Edhel John Otico, 22, ng Pacheco St., Tondo. Arestado naman ang truck driver na si Jake Lopez, 38, nakatira sa Rodriguez, Rizal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang motorcycle rider makaraang pumailalim at magulungan ng isang trak nang mawalan siya ng kontrol dahil sa biglaang pag-overtake ng isang tricycle, kamakalawa ng tanghali sa Tondo, Maynila.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahilan ng kaniyang kamatayan ang biktimang si  Edhel John Otico, 22, ng Pacheco St., Tondo.  Arestado naman ang truck driver na si Jake Lopez, 38, nakatira sa Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong 12:30 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa Raxabago St., kanto ng ­Angat St., sa Tondo.

Binabagtas ni Otico ang eastbound lane ng Raxabago Street lulan ng kaniyang motorsiklo nang pagsapit sa kanto ng Angat St. ay bigla umanong nag-overtake sa kanya ang isang tricycle.

Naiwasan naman ng biktima ang tricycle ngunit nagpagewang-gewang ang motorsiklo hanggang sa sumemplang at pumailalim sa dump truck (NAK-3941) na minamaneho ni Lopez.  Minalas naman na magulu­ngan pa ng truck ang biktima na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Agad na nasabat ng mga awtoridad ang suspek na si Lopez na nahaharap ngayon sa kasong homicide through reckless imprudence.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with