^

Metro

75% ng idinagdag na COVID-19 beds sa Maynila, okupado na rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
75% ng idinagdag na COVID-19 beds sa Maynila, okupado na rin
Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na nagdagdag na sila ng COVID-19 beds ang kanilang anim na city-run hospitals para tumaas ito sa 523.
Philippine News Agency

MANILA, Philippines — Nasa 75 porsyento na ring okupado ang mga idinagdag na COVID-19 beds sa mga pagamutan sa lungsod ng Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng pas­yente.

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na nagdagdag na sila ng COVID-19 beds ang kanilang anim na city-run hospitals para tumaas ito sa 523.

Ngunit agad na naokupahan na ang mga ito at 75% o 391 sa mga higaan na ang okupado na  ng mga pasyente.

Sa datos, 100% okupado na ang COVID beds sa Gat. Andres Bonifacio Hospital; 94% ang Ospital ng Tondo; at 89% ang Ospital ng Sampaloc.

Mas mababa ang occupancy rate sa Jose Abad Santos General Hospital na 51% higaan ang okupado, 58% ang Ospital ng Maynila at 79% ang Sta. Ana Hospital.

“Out of the 523 CO­VID beds, 75% na kami (na okupado). Malapit na kami. Medyo scary ‘yun,” anang alkalde, sa panayam sa te­lebisyon.

Samantala, nanatiling may kaluwagan ang mga quarantine facilities sa lungsod dahil sa 43% pa lamang ng mga ito ang okupado.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with