^

Metro

De Lima tinabla ng 2 hukom

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Sa hirit na walang limitasyong pagbisita ng kanyang mga abugado

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng dalawang hukom ang apela ni Senator Leila De Lima  na mabisita siya ng kaniyang mga abugado ng walang limitasyon.

Sa magkahiwalay na kautusan, ibinasura ang mosyon ni De Lima ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC)  Branch 205 Judge Liezel Aquiatan at ni Judge Romeo Buenaventura Branch 256  dahil sa kawalan ng merito.

Nabatid na hiniling ni De Lima na utusan ang Philippine National Police (PNP) na pahintulutan ang kaniyang mga abugado na mabisita siya sa PNP Custodial Center sa ­Quezon City , anumang oras sa anumang araw nang walang limitasyon , habang tumutugon sa COVID-19 safety protocols.

Sa kasalukuyan, hanggang isang oras lamang sa tatlong araw sa loob ng isang linggo ang ibinibigay na panahon sa pagbisita kay De Lima at paisa-isa lang o hindi pwedeng magkakasabay. Dahilan  ito para hindi niya magawa ang ‘legal urgent matters’.

Iginiit naman ni Judge Buenaventura na ang pinaiiral na polisiya ng PNP ay upang makontrol ang  oras at dalaw at paraan ng pagbisita na nasa kanilang kostudiya  para sa kaligtasan at kalusugan ng publiko, gayung patuloy naman na naibibigay ang karapatan  ng senadora na makausap ang mga abugado niya para ihanda siya sa pagdinig.

Paliwanag ni Judge Aquiatan, kung pagbibigyan si De Lima sa special be­nefit, dapat ay pagbigyan din ang iba pang mga preso, na maaring mabisita rin ng sinuman sa piitan, anumang oras at kahit sa gabi.

vuukle comment

DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with