^

Metro

Parak, patay sa cargo truck

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa  North Caloocan Doctors Hospital  ang buhay ni Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) District Mobile Force Battalion (DMFB) at residente ng  Brgy. 323 Sta Cruz, Manila dahil sa pinsalang natamo nito sa  ulo.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Izusu Cargo Truck na si Ricky Baracena, 44 ng Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Allan Saluta, Jr., dakong alas-8:45 ng gabi, kapwa tinatahak ng naturang mga sasakyan ang kahabaan ng Quirino Highway patungo sa Fairview, Quezon city kung saan nauna ang motorsiklo sa cargo truck.

Pagsapit sa Ascoville, Malaria Brgy. 185, Caloocan City ay bigla na lamang umanong huminto ang biktima na naging dahilan upang mawalan ng control ang driver ng cargo truck at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo.

Sa lakas ng impact, nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na mabilis isinugod sa naturang pagamutan ng rumespondeng Sinukuan Rescue habang sumuko naman sa pulisys si Baracena.

vuukle comment

NPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with