^

Metro

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, posibleng bumaba sa MECQ

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible umanong magkaroon ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang  April 30.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research Group, ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections ay maaaring maganap sa loob ng isang linggo o dalawang linggo.

“Yan ‘yung inaasahan natin na dire-diretsong pagbaba. By next week baka nasa downward trend na tayo hopefully, or next next week,” sabi ni David.

Sinabi ni David na mula sa 10,000 average cases per day, ang bilang ng kaso ay maaaring umabot na lamang sa 7,000.

Sa ngayon anya ang  reproduction number ng kaso ng COVID-19 ay 1.24. Ang  reproduction number na mababa sa 1 ay  nagpapapakita na  ang  reproduction ng  COVID-19 cases ay pababa na.

Simula kahapon, naibalik na ang implemen­tasyon ng MECQ sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang April 30. 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with