^

Metro

Dagdag na ruta ng PUVs sa Metro Manila aarangkada na - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na mahihirapan ang dumaraming commuters sa kanilang masasakyan sa Metro Manila.

Ito ay dahil inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aarangkada na ngayong linggong ito ang dagdag na ruta ng traditional jeepneys at provincial buses sa Metro Manila.

Ayon sa LTFRB, may  62 ruta ng traditional jeepney at 195 ruta ng provincial buses sa Metro Manila ang takdang buksan ngayong linggong ito.

Ayon kay LTFRB NCR  director Zona Tamayo, ang naturang mga ruta ay kapapalooban ng  4,000 bus at jeep na papasada sa Metro Manila.

Anya hindi apektado ng  curfew ang biyahe ng pampublikong sasakyan sa NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan sa Bulacan, cavite, Laguna, at Rizal pero dapat sumunod ang mga commuters sa curfew hours sa naturang mga lugar na mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

 

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with