^

Metro

Sinovac vaccine ‘di dahilan ng stroke – DOH

Pilipino Star Ngayon
Sinovac vaccine �di dahilan ng stroke � DOH
Tiniyak muli ng DOH na ang naturang bakuna na gawa sa China at iba pang COVID-19 vaccines ay ligtas at epektibo.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang koneksiyon ang naiturok na Sinovac vaccine sa isang lala­king na-stroke matapos mabakunahan.

Tiniyak muli ng DOH na ang naturang bakuna na gawa sa China at iba pang COVID-19 vaccines ay ligtas at epektibo.

Ipinaliwanag ng DOH na lumitaw sa assessment na isinagawa ng kanilang adverse events committee at ng Food and Drug Administration (FDA) na ang stroke ng lalaki ay hindi dulot ng bakuna at inconsistent sa causal association ng bakuna.

Binigyang-diin din nito na ang stroke na naganap sa lalaki ay “coincidental” lamang sa emerging conditions ng pasyente.

“The DOH and FDA strongly emphasize that vaccines are SAFE and EFFECTIVE in affor­ding protection against CO­VID-19 and in preven­ting the severe form of COVID-19,” anito pa.

Nauna rito, sa isang social media post ay sinasabing isang 54-anyos na lalaki mula sa Caloocan na hypertensive at diabetic, ay dumanas umano ng stroke at iba pang sakit.

Kaugnay nito, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga namamahala sa vaccination sites na sundin ang screening protocols sa pag-assess ng mga recipients ng bakuna.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na tiyaking hindi maglilihim at ilalahad lahat ng kanilang underlying conditions sa health declaration bago magpaturok ng bakuna.

Samantala, sa kaso naman ng pulis sa Maynila na namatay sa COVID-19 matapos mabakunahan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng na-expose ang pasyente sa virus bago magpabakuna at lumabas ang sintomas pagkatapos mabakunahan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with