^

Metro

Quarantine facility ng PPA gagawing modular COVID-19 isolation wards

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gagawin nang modular COVID-19 wards  ang dalawang malalaking quarantine facility ng Philippine Ports Authrotity (PPA).

Ito ay makaraang ipag-utos ni  Transportation Secretary Arthur Tugade na gawin nang isolation facility ang mga quarantine facilities sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Maynila at Port of Capinpin sa Orion, Bataan.

Ang hakbang ay aksyon  ni Tugade  sa  nararanasang kakulangan ng hospital bed sa Metro Manila dahil sa mataas na kaso ng tinatamaan ng Covid-19.

Sa pulong na isinagawa ng Task Group on Isolation and Quarantine na dinaluhan ni NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon at iba pang ahensya, napagkasunduan na ang Department of Health ang magbibigay ng manpower at equipment para rito.

Simula kahapon ay umarangkada na ang operasyon ng dalawang modular COVID-19 isolation wards na may kabuuang 335-bed capacity.

Ayon kay Secretary  Tugade, kahit hindi na saklaw ng kanilang mandato basta’t makatutulong sa mamamayan ngayong panahon ng medical emergency ay gagawin  ng DOTr ang naturang hakbang.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with