^

Metro

‘Eepal’ sa ayuda, kakasuhan-DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Eepal� sa ayuda, kakasuhan-DILG
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakasaad sa Section 82 ng General Appropriations Act ang pagbabawal sa paggamit ng pangalan, vi­sage, appearance, logo, lagda at iba pang analogous image ng sinumang public official, halal man o appointed, sa lahat ng programa, aktibidad at proyekto ng pamahalaan
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) ang mga politiko na mahaharap sa kaukulang kaso kung ‘eepal’ o maglalagay ng kanilang mga pangalan, larawan o imahe sa isinasagawang distribusyon ng ayuda mula sa national government para sa mga residente sa NCR Plus .

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakasaad sa Section 82 ng General Appropriations Act ang pagbabawal sa paggamit ng pangalan, vi­sage, appearance, logo, lagda at iba pang analogous image ng sinumang public official, halal man o appointed, sa lahat ng programa, aktibidad at proyekto ng pamahalaan.

Nagbabala rin si Malaya na ang sinumang public official na mapapatunayang lumalabag sa naturang prohibisyon ay mahaharap sa kasong administratibo sa ilalim ng COA Circular 2013-004.

Hinikayat din niya ang publiko na kung may nalalaman silang ganitong insidente ay maaaring maghain ng reklamo sa pinakamalapit na DILG field office at magpakita ng larawan at iba pang documentary evidence bilang suporta sa kanilang reklamo.

Nanindigan si Malaya na hindi kailanman kukunsintihin ng DILG ang mga ganitong gawaing pag-epal ng mga politiko.

Kahapon ay sinimulan na ng mga local government units (LGUs) ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na P1,000 kada indibiduwal o P4,000 maximum sa bawat tahanan, na ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa mga residente ng NCR Plus areas na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with