^

Metro

Pamamahagi ng ayuda, arangkada na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pamamahagi ng ayuda, arangkada na!
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na nasa 90% na ng mga concerned LGUs ang nakatanggap na ng pondo para sa ayuda mula sa national government.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na masisimulan na ng mga local government units (LGUs) ngayong Miyerkules,  ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente sa NCR Plus areas, na nasa ilalim pa rin ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na nasa 90% na ng mga concerned LGUs ang nakatanggap na ng pondo para sa ayuda mula sa national government.

“Natanggap na ng almost 90% ng mga LGUs ‘yung ayuda from the national go­vernment, ‘yung cash. Bukas na bukas (Miyerkules) magsisimula na ang pamimigay,” ayon pa kay Malaya.

Sinabi pa ng DILG official na ang distribusyon ng assistance na P1,000 kada indibiduwal o maximum na P4,000 kada pamilya, ay sisimulan na sa mga lungsod ng Parañaque at Caloocan ngayong Miyerkules, gayundin sa Taguig City at lungsod ng Maynila.

Kabilang umano sa mga makakatanggap ng ayuda ay ang mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2, mga wait-listed beneficiaries, mga low-income individuals, kabilang na ang mga solo parents at persons with disability, at iba pang indibiduwal na apektado ng ECQ.

Una nang nagpalabas ang national government ng P22.9 bilyong pondo para mabigyan ng ayuda ang mga residenteng apektado ng 2-weeks ECQ na umiiral ngayon sa NCR Plus areas.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with