^

Metro

Lalabag sa curfew sa Navotas pagmumultahin na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi lamang basta community service  kundi pagmumultahin na ang mga pasaway na indibiduwal na lalabag sa curfew sa lungsod ng Navotas.

Ito’y kasunod sa ipinasang City Ordinance No. 2021-19 ng pamahalaang lungsod na nagpapataw ng multang P5,000 sa mga lalabag sa curfew mula alas-6 ng gabi hanggang alas -5 ng umaga; mandatory rin ang pagsusuot ng face mask, face shield habang 24 oras naman ang curfew para sa mga menor-de-edad.

Ang pagpapatupad ng curfew ay alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble na itinatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa mga nagtatrabaho lalo na sa mga frontliners at essential workers ay kailangan lamang magpakita ang mga ito ng valid identification cards .

Ipinasa ang ordinansa kasunod ng mga ulat na may mga pasaway na nagbibigay ng huwad na impormasyon sa mga barangay enforcers.

Alinsunod sa  City Ordinance No. 2021-20  ay inaatasan na maglagay ng mga transparent plastic o acetate barrier  ang mga  driver at sa pagitan ng mga hanay ng upuan ng public utility jeepney (PUJs) at pagpapanatili ng maayos nitong kondisyon.

Nasa 50% lang ang sasakay na mga pasahero o kalahati ng kapasidad ng sasakyan maliban sa driver at konduktor.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 sa unang offense, P750 sa ikalawa, at P1,000 para sa pangatlong paglabag.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with