^

Metro

Lady passenger hinoldap, pinatay ng Grab driver

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady passenger hinoldap, pinatay ng Grab driver
Ayon kay QCPD Director PBGen Danilo Macerin, naaresto ang mga suspek na sina John Lester Alhambra, 24, Grab Driver ng Blk 3, Lot 8, Carissa 4C, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan; at Bryan Kennet Yumol, 24, ng Venus Compound, Sitio Libjo, Brgy. Sto. Mini, Parañaque City, na ­itinuturong nangholdap at nakapatay sa biktimang si Carlota Antasuda, 24, ng Pasig City noong Abril 2.
Flickr/BMN Network

Suspek at kasabwat, arestado!

MANILA, Philippines — Isang Grab driver at kasabwat nito ang naaresto ng mga awtoridad matapos holdapin at pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang kanyang babaeng pasahero noong Biyernes Santo sa ­Quezon City.

Ayon kay QCPD Director PBGen Danilo Macerin, naaresto ang mga suspek na sina John Lester Alhambra, 24, Grab Driver ng Blk 3, Lot 8, Carissa 4C, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan; at Bryan Kennet Yumol, 24, ng Venus Compound, Sitio Libjo, Brgy. Sto. Mini, Parañaque City, na ­itinuturong nangholdap at nakapatay sa biktimang si Carlota Antasuda, 24, ng Pasig City noong Abril 2.

Sa ulat ng QCPD-Crime Investigation Section (CIS), nagpa-book umano sa Grab si Antasuda at nagpapahatid pauwi ng kanilang tahanan sa Pasig City noong mada­ling araw ng Abril 2.

Sa booking ng biktima ay isang itim na Toyota Innova na may plakang NDA-3563 na minamaneho ng isang John Lester Alhambra, ang dapat sana ay susundo sa kanya dakong alas-12:42 ng madaling araw sa UP Techno Hub, sa Brgy. UP Diliman, Quezon City.

Gayunman, hindi itim na Toyota Innova ang dumating kundi isang brown na Mitsubishi Montero na dala ni Alhambra.

Sumakay naman ang biktima, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakasakay pala at nagtatago sa likod ng behikulo si Yumol.

Pagkasakay ng biktima ay bigla itong tinutukan ng patalim ng suspek at nagdeklara ng holdap saka kinuha ang kanyang mahahalagang gamit.

Hindi pa nasiyahan, pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima at inihulog ang bangkay sa isang bakanteng lote sa Ocean Park, sa Brgy. Sauyo, Novaliches, QC. Natagpuan ang biktima at naiulat lamang ang krimen alas-12:30 na ng tanghali ng nasabi ring petsa.

Naaresto sa follow-up operation ang mga suspek dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng Sauyo Flea Market.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang gintong kuwintas at isang Anne Klein wristwatch na positibong tinukoy ni Mila Carmel Antasuda, na personal na pagma-may-ari ng kanyang kapatid na si Carlota.

Narekober din ang brown na Mitsubishi Montero na may plakang RMZ-170 na ginamit ng mga suspek sa krimen sa Rosal St., Old Sta. Mesa, Manila.

Ang mga suspek ay nakapiit na ngayon at sasampahan ng kasong robbery with homicide sa piskalya.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with