^

Metro

CPP-NPA bigo sa pag-atake sa NCR-PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo ang Communist Pary of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) na maisagawa ang plano nilang pag-atake sa Metro Manila.

Ito ang binigyan diin ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, matapos na mapigilin ng PNP ang planong pag-atake ng NPA sa Kalakhang Maynila partikular ang pagpapakalat nito ng kanilang mga urban guerrila units na inatasang mag­lunsad na terroristic activities.

Ayon kay Sinas ang plano ng CPP-NPA ay bahagi ng hakbang ng grupo para buhayin ang kanilang armed city partisan units at ang mga mi­yembro nitong mga ‘hit squad’ na ipinakalat   para sa kanilang misyon sa mga siyudad.

Sinabi ni Sinas, dahil sa pinalakas na anti-criminality and anti-terrorism campaign sa Calabarzon region nakumpiska ng mga awtoridad ang ibat-ibang high-powered firearms at mga pampasabog na umano’y na acquired ng CPP-NPA bilang parte ng kanilang planong pag-atake laban sa mga government forces.

Nabatid na  ang Region 4A kasi ay itinuturing na strategic covert entry points ng mga armas at mga pampasabog na ibinibiyahe at kanilang ­ipoposisyon sa MM. Tukoy na rin ng PNP ang mga lugar na tina-target ng NPA sa kanilang terroristic activities.

Batay sa inteligence report na nakalap ni PNP CIDG Director MGen. Albert Ferro ang mga lugar sa mayroong isang active undeground house ang CPP-NPA sa Laguna at Batangas kung saan iniimbak ang mga nasabing armas.

Samantala, ayon naman kay PNP Directorate for ­Operations Maj. Gen. Alfred Corpus, pinalakas ng PNP ang kanilang security measures at maging ang kanilang anti-insurgency campaign.

Sa ngayon nasa offensive mode ang mga kapulisan para tiyaking hindi magtagumpay ang mga planong pag-atake ng CPP NPA.

vuukle comment

CPP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with