^

Metro

Buy-bust sa Caloocan, P6.8 milyong shabu nasabat

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust sa Caloocan, P6.8 milyong shabu nasabat
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Masod Hadji Karim, alyas Bossing, 36, kilalang ‘tulak’, ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Masod Hadji Karim, alyas Bossing, 36, kilalang ‘tulak’, ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala.

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PMGen. Nelson Bondoc, dakong alas- 4:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), 6th MFC RMFB-NRCPO at PDEA Northern District Office ng buy-bust operation sa bahay ng suspek.

Mabilis na dinakma ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang medium plastic sachet ng shabu na nasa P50,000 ang halaga si PCpl Noel Sison na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 1,000 grams (1 klg.) ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng may P6.8 milyon.

Ayon kay Col. Mina, ang operation ay nag-ugat sa isang impormasyon na inihiyag ng isang Regular Confidential Informant (RCI) sa SDEU at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama at maaasahan ang ulat.

vuukle comment

BUY BUST

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with