^

Metro

Checkpoints ikinalat na sa mga boundary sa Metro Manila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Checkpoints ikinalat na sa mga boundary sa Metro Manila
Pinangunahan ni QCPD director Brig. Gen. Danilo Macerin ang pagmamando sa checkpoint sa boundary ng Quezon City at San Mateo, Rizal sa Batasan Road sa unang araw nang mas pinahigpit na GCQ sa NCR at apat na lalawigan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mas pinahigpit ang inilatag na checkpoints kahapon sa ibat-ibang lugar sa unang araw nang pagpapatupad sa mas mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila at apat pang karatig  lalawigan.

Kaugnay nito, nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildebrandi ­Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng COVID-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.

Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para mapigilan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID.

Pinapayagan sa ngayon na pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o ‘yung mga autho­rized persons outside residence (APOR) kasama na dito ang mga delivery goods and services.

Pinapayagan lamang bumiyahe sa ibang probinsiya kung ang biyahe ay essentiall at ang pinakamahalaga ay compliance sa LGU arrival requirement.

Sinabi ni Usana may mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries. Ang mga hindi essential workers ay hindi maaaring makapasok ng Metro Manila.

Ayon kay Usana sa dalawang linggo ipatutupad ng PNP ang ganitong set-up kaya hindi puwedeng makalabas ang sinuman sa NCR maliban na lamang kung mayroong maipakitang ID na isa itong essential workers.

Apela  pa ng PNP sa publiko, huwag nalang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa.

Nilinaw naman ni Usana na naka depende sa mga local chief executives kung anong mga pamamaraan na kanilang ipatutupad sa mga lumabag o violators.

Dagdag pa ni Usana, mas makabubuting mag-adjust ng sistema ang mga local government unit at sumabay sa  pinaiiral na polisiya ng  national government.

 

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with